Change Is Coming

May 15, 2016 8:05 AM
Sulat Ko Para Sa Lahat,

Hayan may bago na tayong pangulo ng Pilipinas..

Siya man o hindi ang nais mo o di kaya hindi man naihalal lahat ang  gusto natin kandidato hindi sana ito nangangahulugan upang hindi natin simulan, tuparin at ayusin ang hinahangad natin pagbabago para sa Pilipinas.

Sapagkat ang pag asenso ng ating bansa ay hindi lahat nakadepende sa gobyerno kundi kailangan natin samahan, suportahan at tulungan din sa  mga laban ang mga bago natin pulitiko.

At lahat tayo ay mamamayan ng PILIPINAS, may posisyon man tayo o tagasunod  lamang maari naman natin bawasan  ang kahirapan, panlalamang at pang aabuso sa kapwa, walang pangangalaga sa kalikasan at sa simpleng hindi pagsunod sa batas trapiko ng ating bansa. Kailangan lang eh magkaisa tayo, magtulungan tayo at magkaroon ng cooperasyon parang BAYANIHAN ba.

Hindi man umpisahan ng kapitbahay natin o nun kaibigan mo, puede naman natin simulan mismo sa atin!

Kaya tara na! Sabay tayong magbago para sa bagong PILIPINAS! 🙂

Xoxo,

Simpleng Citizen ng Pilipinas.. 🙂

 

2 thoughts on “Change Is Coming

  • June 7, 2016 at 9:53 pm
    Permalink

    very like:)
    solid duterte:)

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *